3 arestado sa buy-bust operation sa Maynila

Timbog ang dalawang tindero at ang isa nilang kasamahan sa buy-bust operation ng pulisya sa Parola compound, Binondo, Maynila araw ng Miyerkules.

Ayon sa Manila Police District, ipinag-bigay alam sa kanila ang pagbebenta ng iligal na droga ng mga suspek na sina alyas Carlo at Jen.

Positibong nakabili ang mga pulis ng shabu mula sa mga suspek kaya dinakip ang mga ito at damay din ang isa pa nilang babaeng kasamahan.

Narekober mula sa mga suspek ang 20 plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Mahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...