Pinay pinatay ng dating mister sa harap ng anak sa Las Vegas

By Len Montaño May 02, 2019 - 02:34 AM

FB photo

Patay ang isang Pilipina matapos itong barilin ng dating mister sa harap ng kanilang anak sa Las Vegas.

Kalaunan ay binaril din umano ng suspek ang sarili nito.

Kinilala ang Pinay na si Karen Gotidoc Lopez, 34 anyos na pinatay ng dating asawa na si Fernando Lopez sa labas ng kanilang bahay sa Silver Saddle Street malapit sa Desert Inn Road and Eastern Avenue.

Ayon sa Metro Police, dumating sa bahay si Karen at ang 4 na taong gulang nitong anak.

Pagkalabas pa lang ng kotse ay tinutukan na ng baril ng suspek ang biktima.

Nakiusap ang Pinay sa isang kapitbahay na kunin muna ang bata pero sa puntong ito ay binaril na si Karen ng kanyang ex-husband.

Binaril rin ni Fernando ang isa pang residente at kapitbahay na nakaganti ng putok.

Hindi naman malinaw kung nabaril ng kapitbahay si Fernando o kung namatay ang suspek sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Ikinasal ang dalawa noong 2015 at nag-divorce noong nakaraang taon.

TAGS: dating mister, Fernando Lopez, Karen Gotidoc Lopez, Las Vegas, patay sa pamamaril, pinatay, sa harap ng anak, dating mister, Fernando Lopez, Karen Gotidoc Lopez, Las Vegas, patay sa pamamaril, pinatay, sa harap ng anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.