46.9 degrees Celsius na heat index naitala sa Casiguran, Aurora kahapon

By Len Montaño May 02, 2019 - 01:59 AM

Naitala ang pinakamataas na heat index araw ng Miyerkules sa Casiguran, Aurora.

Ayon sa Pagasa, umabot sa 46.9 degrees Celsius ang heat index sa lugar alas 2:00 ng hapon.

Ilan pang lugar ang nagtala ng mapanganib na heat index na lampas 41 degrees Celsius.

Ikinukunsidera ng Pagasa na mapanganib ang heat index na 41 degrees Celsius pataas.

Alas 11:00 ng umaga ay nasa 46.3 degrees Celsius ang heat index sa Guian, Eastern Samar habang 45.6 degrees Celsius naman sa Dagupan, Pangasinan alas 2:00 ng hapon.

Sa Metro Manila, naitala ng 40 degrees Celsius na heat index alas 4:00 ng hapon partikular ang 42.3 degrees Celsius sa heat index sa NAIA sa Pasay City.

TAGS: 46.9 degrees Celsius, Aurora, Casiguran, heat index, mapanganib, Pagasa, 46.9 degrees Celsius, Aurora, Casiguran, heat index, mapanganib, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.