Tiyuhin 4 na beses umanong hinalay ang sariling pamangkin sa Maynila

By Rhommel Balasbas May 02, 2019 - 01:40 AM

Contributed photo

Naaresto Miyerkules ng gabi ang isang lalaki matapos umanong apat na beses na halayin ang sariling pamangkin sa Maynila.

Ayon kay Lacson PCP Commander Pol. Cap. Edwin Fuggan, ang suspek ay kapatid ng ina ng biktima.

Napansin na lamang ng mga magulang at ng lolo ng bata na nilalagnat at masakit ang puson ng bata kaya’t agad dinala ito sa center.

Kinutuban ang mga ito at tinanong ang bata na kalauna’y umamin sa krimeng ginawa sa kanya ng kanyang tiyuhin.

Tinakot umano kasi siya ng kaniyang tiyuhin na papatayin ang kaniyang lolo kapag siya ay nagsumbong.

Naaresto ang suspek sa Blumentrit Market kung saan ito ay nagbebenta ng buko.

Mahaharap ngayon ito sa kasong statutory rape.

TAGS: 4 na beses, hinalay, manila, pamangkin, Sampaloc, statutory rape, tiyuhin, 4 na beses, hinalay, manila, pamangkin, Sampaloc, statutory rape, tiyuhin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.