Magnolia nakauna ng panalo kontra San Miguel sa PBA Finals

PBA Images

Depensa ang naging susi sa panalo ng Magnolia laban sa San Miguel sa Game 1 ng 2019 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum Miyerkules ng gabi.

Dahil sa 99-94 na panalo ay 1-0 na ang Magnolia sa best of seven series kontra San Miguel.

Nagsanib-pwersa sina Ian Sangalang at Paul Lee sa huling bahagi ng laban.

Ayon kay Magnolia head coach Chito Victolero, sinabihan niya sa halftime ang kanyang players na hindi nila matatalo ang Beermen sa opensiba.

Masaya ito na tinanggap ng Hotshots ang hamon at gumamit ng matinding depensa laban sa kalaban.

Nagtala si Sangalang ng double-double na 17 points at 12 rebounds habang si Lee ay gumawa ng 18 points, 6 na rebounds at 5 assissts.

Nalampasan ng Magnolia ang matinding performance ni June Mar Fajardo na 35 points at 21 rebounds.

Nakatakda ang Game 2 ng San Miguel at Magnolia sa Biyernes.

Read more...