Kampo ng NPA sa Quezon nakubkob ng tropa ng gobyerno

By Len Montaño May 01, 2019 - 10:06 PM

Nakubkob ng mga sundalo at pulis ang umanoy training camp ng New People’s Army (NPA) sa bulubundukin ng Sierra Madre sa Hilagang Quezon araw ng Miyerkules.

Ayon kay Captain Patrick Jay Retumban, public affairs chief ng Army 2nd Infantry Division, matagumpay na nakuha ng pinagsanib na mga miyembro ng militar at pulisya ang kampo ng mga rebelde matapos ang 10 minutong enkwentro.

Nakasagupa ng pwersa ng pamahalaan ang tinatayang 30 Maoist-inpired guerillas sa Barangay Canaway sa General Nakar.

“The enemies, led by alias ‘Boyong,’ were forced to withdraw despite the relative advantage provided by their training camp’s defenses,” ani Brig. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng Army’s 202nd Infantry.

Sinabi ni Retumban na may bakas ng dugo sa posisyon ng mga rebelde gayundin sa lugar kung saan sila tumakas.

Ang training camp ng NPA ay mayroong 10 bunkers kung saan pwede ang 60 rebelde.

Narekober din ang plastic caps, improvised explosive devices, radio equipment at iba pang war materials at dokumento mula sa naturang kampo.

Nagtalaga naman ng dagdag pwersa para tugisin ang tumakas na mga rebelde habang inalerto ang ibang units para sa posibleng opensiba ng NPA.

TAGS: 10 minuto enkwentro, 30 Maoist-inpired guerillas, General Nakar, kampo, komunista, nakubkob, NPA, pwersa ng pamahalaan, Quezon, rebelde, training camp, tropa ng gobyerno, 10 minuto enkwentro, 30 Maoist-inpired guerillas, General Nakar, kampo, komunista, nakubkob, NPA, pwersa ng pamahalaan, Quezon, rebelde, training camp, tropa ng gobyerno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.