State of calamity idineklara sa San Isidro, Leyte dahil sa epekto ng tagtuyot
Isinailalim ang bayan ng San Isidro sa lalawigan ng Leyte sa state of calamity dahil sa pinsala ng tagtuyot.
Tuyo na ang mga palayan sa bayan at wala ng tubig para sa irigasyon bunsod ng ilang buwan ng walang pag-uulan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, halos 700 magsasaka ang apektado ng matinding tag-init.
Wala nang aanihin ang mga magsasaka ng mais at palay ngayong buwan dahil nasira na sa tagtuyot.
Dahil dito, inirekomenda ng Agriculture Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang deklarasyon ng state of calamity sa bayan.
Mahigit P13 milyon na ang halaga ng pinsala sa palay at mahigit P774,000 naman sa produktong mais.
Ayon kay San Isidro Mayor Susan Ang, ang state of calamity ay dahil sa kawalan ng tubig at matindi na ang epekto ng tag-init sa kanilang mga produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.