6 patay sa sagupaan sa Tulunan, North Cotabato

By Jay Dones December 09, 2015 - 04:32 AM

 

Mula sa google maps

Hindi bababa sa anim katao ang nasawi nang makasagupa ng hinihinalang puwersa ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang mga armadong residente ng isang barangay sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.

Ayon kay Sr. Insp. Ronnie Dillera, hepe ng Tulunan police, 30 mga rebelde ang sumugod sa Sitio Saban sa Bgy. Maybula at nagsimulang mang-harass ng mga residente doon dakong alas-11:00 ng umaga kahapon.

Dahil dito, pumalag ang mga armadong residente na naging hudyat ng tatlong oras na palitan ng putok sa magkabilang panig.

Resulta ng bakbakan, napatay ang mga residente na sina Renato Tadiaque, Anthony Camiring at isang security guard na si Loloy Lumacad na nagbabantay sa isang banana plantation sa lugar.

Samantala, tatlong hinihinalang rebelde naman ang kumpirmadong napatay din sa engkwentro. Dahil sa bakbakan, napilitang lumikas mula sa kanilang lugar ang may 200 residente sa pangambang madamay sa insidente.

Naniniwala ang mga otoridad na ang matagal nang agawan sa sampung ektaryang lupain sa pagitan ng mga Moro at mga residente ang pinag-ugatan ng hidwaan sa lugar na humantong sa engkwentro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.