Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa Pasay City, Miyerkules ng umaga.
Pinangunahan ni PDEA Regional Director III Adrian Alvariño ang ikinasang buy-bust operation malapit sa isang mall sa nasabing lungsod.
Dahil dito, naaresto ang isang Dumama Sarifi sa Marina Way corner Boulevard.
Nakuha sa suspek ang 21 package ng hinihinalang shabu na may bigat na 1,000 na gramo.
Mahaharap naman si Sarifi sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.