Suplay ng tubig sa Metro Manila, inaasahang bubuti sa May 14

Inaasahang bubuti na ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa May 14, ayon sa Maynilad Water Services Inc.

Sa isang panayam, sinabi ni Maynilad corporate communications head Jennifer Rufo na ito ay dahil sinimulan na ang pagsasaayos ng algae proliferation sa Laguna de Bay.

Nagdagdag na aniya ng chemical dosing sa ilang strategic locations sa lawa.

Nagdulot ng water service interruption ang algae proliferation sa bahagi ng Las Piñas, Parañaque, Muntinlipa at maging sa Imus at Bacoor, Cavite.

Nagsimula ang water service interruption sa mga nasabing lugar noong April 29 at tatagal hanggang May 14.

Dagdag pa ni Rufo, normal ang algae proliferation lalo na tuwing panahon ng tag-init kung saan wala masyadong nararamdamang pag-ulan.

Huling nagkaroon nito sa naturang lawa noong 2014.

Read more...