Paggunita sa Araw ng Paggawa, mapayapa – PNP

By Angellic Jordan May 01, 2019 - 06:59 PM

“Generally peaceful” ang paggunita ng Araw ng Paggawa ngayong taon, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac na mananatili pa ring nakataas sa full alert status ang PNP para matiyak ang seguridad ng publiko at maiwasan ang anumang krimen at makaresponde sa anumang trahedya.

Binati naman ni Banac ang mga manggagawa sa buong bansa para sa maayos na pagdaros ng Labor Day.

Wala rin aniyang napaulat na untoward incident sa mga programa ng mga labor group.

Sa tala ng PNP, nasa kabuuang 8,235 katao ang nakilahok sa kaliwa’t kanang protesta sa buong bansa.

Aniya, bumaba ng 2,930 ang bilang ng mga nakiisang raliyista kumpara noong nakaraang taon at inaasahan pa ang pagbaba nito sa mga susunod na taon.

TAGS: full alert status, Labor Day, mapayapa, PNP, Rally, full alert status, Labor Day, mapayapa, PNP, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.