Petisyon sa pigilan na umakto sa eleksyon ang mga miyembro ng ACT, ibinasura ng Comelec
Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon upang huwag payagang umakto bilang Board of Election Inspectors o BEI sa eleksyon sa Mayo 13 ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers.
Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro, nakatanggap sila ng liham mula sa Comelec en banc na nagsasabing maaring umakto sa halalan ang kanilang mga miyembro base sa itinatadhana ng Election Service Reform Act.
Nakasaad sa pasya ng poll body na walang basehan sa batas ang petisyon laban sa mga miyembro ng ACT .
Hindi rin, ayon sa Comelec, maaring grounds upang ma-disqualify bilang miyembro ng BEI ang isang miyembro ng partylist group.
Base sa inihaing petisyon ni Mohammad Omar Fajardo, kailangang ipatupad ng mahigpit ng Comelec ang itinatadhana ng Omnibus Election Code sa pamamagitan ng hindi pagtatalaga sa mga miyembro ng ACT bilang BEI upang masiguro ang patas na halalan.
Bilang reaksyon, sinabi naman ni ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio na ipinapatupad lamang ng poll body ang batas sa naging pasya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.