Palasyo, umapela sa publiko na labanan ang disinformation campaign

By Chona Yu May 01, 2019 - 06:47 PM

Nakiusap ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na tumulong sa paglaban sa disinformation campaign lalo na ngayong papalapit ang May 13 elections.

Sa pagbisita ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar sa General Santos City, sinabi nito na dapat na maging mapanuri ang taong bayan lalo na ang mga gumagamit sa social media para hindi mabiktima ng disinformation campaign na bahagi lamang ng black propaganda.

Ayon kay Andanar, layon ng “Dismiss Disinformation” campaign ng PCOO na malabanan ang mga fake news at ang pagkalat ng mga misleading na impormasyon sa mga komunidad.

Nanindigan din si Andanar na kailangan ng bansa ang credible election kaya naman malaking tulong ang kampanya laban sa disinformation ngayong election season.

Giit ni Andanar na papasok ang kredibilidad ng election system kapag napagana ang prinsipyo ng malinis, patas at tapat na eleksyon.

Dagdag pa ni Andanar na kapag pinayagan ng sambayanan ang disinformation na mangibabaw ang maruming halalan.

Inihalimbawa ni Andanar ng mga black propaganda ay ang alegasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang pamilya gayundin ang pagkakadawit ng ilang administration bets sa eleksyon.

TAGS: disinformation campaign, fake news, pcoo, disinformation campaign, fake news, pcoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.