Malakanyang, kumikilos na sa pagtataas ng Alert Level 4 sa Libya

Inatasan na ng Palasyo ng Malakanyang ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maiuwi na sa bansa ang mga Filipino na naiipit sa gulo sa Libya.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos itaas sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa Libya o mandatory evacuation sa mga Filipino sa Libya.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi lang ang DFA at DOLE, kundi maging ang iba pang sangay ng pamahalaan ang kikilos para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino sa Libya.

Ayon kay Panelo, panay ang pakikipag-ugnayan ng Malakanyang kina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Labor Secretary Silvestre Bello III para sa iba pang direktiba ni Pangulong Duterte.

Una rito, sinabi ni Bello na aabot sa 2,000 Filipino ang nasa Libya ngayon.

Read more...