Ito ay kasunod ng paggunita sa National Heritage Month ngayong buwan ng Mayo.
Sa inilabas na pahayag, layon nitong matutunan ng mga Pinoy ang kahalagahan ng mga leksyon ng ating kasaysayan.
Makabuluhan aniya ito para sa pinagdadanan ng bawat isang Filipino ngayon at mga susunod na araw.
Dagdag pa ng senador, puno ang Pilipinas ng mga artist tulad ng Paete wood carvers, mga pintor sa Angono at iba pa.
Dapat aniyang ipagmalaki ang pagiging malikhain ng mga Pinoy.
Ang nakababatang Angara and co-author ng Republic Act 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009 kasama ang kaniyang ama na si dating Senate President Edgardo Angara.