2 pang bloke ng cocaine, natagpuan sa Surigao del Sur

By Angellic Jordan May 01, 2019 - 03:48 PM

Nadagdagan ang natagpuang palutang-lutang na hinihinalang cocaine sa baybaying-dagat ng Lingig sa Surigao del Sur, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Caraga police, ang mangingisdang si Jolan Pucot ang nakakita muli ng dalawa pang bloke ng cocaine sa bahagi ng Barangay Handamayan.

May bigat ito na dalawang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon.

Batay sa imbestigasyon, naghahanda si Pucot para mangisda nang biglang makita ang mga kontrabando.

Agad itong dinala sa barangay captain na si Jemuel Quiobe at Police Capt. Edwin Perez sa barangay hall.

Dinala na ang kontrabando sa Lingig Municipal Police Station.

Si Pucot din ang nakadiskubre sa 16 na bloke ng hinihinalang cocaine sa parehong barangay.

TAGS: 2 bloke, cocaine, P10M, 2 bloke, cocaine, P10M

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.