Facebook account ni Nancy Binay, tatlong beses na-hack

By Angellic Jordan May 01, 2019 - 03:25 PM

Na-hack nang tatlong beses ang official Facebook account ni Senadora Nancy Binay noong buwan ng Abril.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Binay na nakatanggap siya ng notification o mensahe mula sa Facebook na mayroong nag-rereport at sumusubok na mag-log in ng kaniyang account.

Binago aniya ng hacker ang kaniyang pangalan at e-mail address na nakarehistro sa account.

Sinabi ng senadora na kwestiyunable ang timing ng tangkang pag-hack sa kaniyang account lalo na’t papalapit na ang araw ng eleksyon sa May 13.

Nakababahala aniya ang dami ng tangkang pag-hack sa loob lamang ng isang buwan.

Samantala, hindi tiyak si Binay kung ano ang tunay na motibo at tanging pulitika lamang ang posible aniyang rason.

Nakipag-ugnayan naman ang kampo ni Binay sa Facebook para maibalik ang kaniyang account.

TAGS: fb hack, Nancy Binay, fb hack, Nancy Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.