Nadagdagan ang bilang ng mga Filipino na inilikas sa Tripoli, Libya bunsod ng nagpapatuloy na tensyon sa lugar.
Sa kaniyang tweet, sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na anim na Pinoy ang nadagdag sa mga inilikas sa Tripoli.
Patungo aniya ang mga Pinoy sa Tunis, Tunisia kung saan sila sasakay ng flight pauwi ng Pilipinas.
Dahil dito, umabot na sa 40 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na inilikas na North African country.
Matatandaang itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa lugar.
Ibig-sabihin, ipatututpad na ang mandatory evacuation sa mahigit-kumulang 1,000 Pinoy sa nasabing lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.