P600 na national minimum wage inihirit ng isang kongresista

By Erwin Aguilon May 01, 2019 - 11:56 AM

Pinakikilos ni KABAYAN Rep. Ron Salo ang National Wages and Productivity Commission para itaas sa 600 pesos kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa sa buomg bansa.

Base sa House Bill 7527 na inihain ni Salo, hinimok nito ang wage board na hayaang makinabang ang mga manggagawang Pinoy sa magandang ekonomiya ng bansa.

Paliwanag ng kongresista, ang disparity o hindi pagkakapantay-pantay ng sahod sa mga rehiyon ang dahilan kung bakit marami ang napipilitang lumuwas pa-Maynila upang maghanap ng trabaho.

Pareho lang aniya ang ginagampanang tungkulin at serbisyo saan mang lugar pero magkakaiba ang minimum wage.

Inihalimbawa ng kongresista ang mga kawani ng gobyerno kung saan pantay-pantay umano ang kinikita kahit saang lugar at nagkakaiba lang sa tungkulin o responsibilidad.

Bukod sa 600 pesos na national minimum wage, nakapaloob rin sa panukalang batas na ang National Wages and Productivity Commission at Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang tutukoy sa ibibigay na insentibo para sa mga manggagawa.

Sa ganitong paraan ani Salo ay makasasabay na ang mga karaniwang empleyado at unprotected members ng workforce sa tumataas na presyo ng mga bilihin at mapapanatili ang makataong antas ng pamumuhay sa bansa.

TAGS: minimum wage, national wage, nationwide minimum wage, minimum wage, national wage, nationwide minimum wage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.