Dalia Pastor, isa nang ‘international fugitive’

 

Inilagay na sa listahan ng ‘wanted fugitives’ ng Interpol ang asawa ng pinatay na champion race car driver na si Dalia Pastor.

Ayon sa National Bureau of Investigation, nagpalabas na ng ‘red notice’ ang Interpol para kay Dalia Pastor na isinasangkot sa pagpatay sa kanyang mister na si Enzo Pastor noong June 2014.

Sa ilalim ng ‘red notice’ inaabisuhan ang lahat ng 190 bansa na miyembro ng Interpol na tugisin si Dalia at agad na isailalim sa extradition pabalik ng Pilipinas sakaling madakip.

Matatandaang isang PO2 Edgar Angel ang umamin na siya ang nautusan nina Dalia at ng sinasabing kalaguyo umano nitong si Domingo ‘Sandy’ De Guzman apara patayin si Enzo Pastor.

Gayunman, binawi na ni Angel ang kanyang naunang testimonya at itinanggi na may kinalaman ang dalawa sa krimen.

Nitong nakaraang linggo lamang, naaresto na si De Guzman sa isang hotel sa Cavite samantalang pinaniniwalaang nakalabas na ng bansa si Dalia Pastor at nagtatago na sa batas.

Read more...