Pangulong Duterte, sa Davao mamamalagi ngayong Labor Day
Mananatili lamang sa Davao City ngayong araw, Labor Day si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go walang nakatakdang anumang aktibidad ngayong Labor Day si Pangulong Duterte.
Matatandaang makailang beses nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sa kaniyang pagkakaalam ay naka-OO na si Pangulong Duterte para dumalo sa groundbreaking ng P400 million state-of-the-art OFW Hospital sa Pampanga.
Pero ayon kay Go, wala sa schedule ng pangulo ang nabanggit na event sa Pampanga.
Matatandaang kagabi lamang nagpalabas ng litrato ang partner ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avanceña na nagbabasa ng pahayagan ang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.