Alert Level 4 itinaas ng Libya sa Tripoli

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2019 - 10:47 AM

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Tripoli, Libya at mga kalapit nitong lugar.

Sa tweet ni Foreign Affairs Sec. Teoodoro Locsin Jr., sinabi nito na itinataas ang Alert Level 4 sa Tripoli at sa 100 kilometers sa palibot nito.

Ang Alert Level 4 ay mangangahulugan ng pagpapatupad ng mandatory evacuation para sa mga Pinoy doon.

Pero ayon kay Locsin, hindi pa rin nila mapupwersa ang mga Overseas Filipino Workers sa Tripoli na lumikas.

Pero mananatili aniya ang mga tauhan ng DFA sa lugar hanggang sa mapauwi ang pinakahuling Pinoy na nasa Tripoli.

TAGS: Alert Level 4, libya, mandatory evacuation, Radyo Inquirer, Tripoli, Alert Level 4, libya, mandatory evacuation, Radyo Inquirer, Tripoli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.