LOOK: Mga manggagawa nagtipon sa Mendiola

Nagtitipun-tipon na rin sa Mendiola ang mga raliyista mula sa iba’t ibang labor groups.

Bitbit nila ang mga tarpaulin, placards at banner na nananawagan sa pamahalaan na ihinto na ang kontraktwalisasyon.

Nanawagan din sila sa gobyerno na gumawa naman ng paraan para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Tutol naman ang mga manggagawa sa Pederalismo na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Read more...