LOOK: Mga manggagawa maagang nagtipon sa Welcome Rotonda

By Jong Manlapaz May 01, 2019 - 08:33 AM

Maagang nagtipon-tipon sa Welcome Rotonda sa Quezon City ang mga manggagawa ngayong Labor Day.

Nasa 50 miyembro ng Akbayan at Sentro ng mga Magkakaisa at Progresibong Manggagawa (Sentro) ang nagtungo sa Welcome Rotonda para ipanawagan sa gobyerno na ipatupad na ang expanded maternity law.

Ang grupo ay pinangunahan ni Akbayan party-list Rep. Tom Vilarin.

Welcome naman sa mga manggagawa ang balitang tapos na ang implementing rules and regulation ng nasabing batas.

Babala ng grupo sa mga kumpanya na hindi tutugon sa isinasaad ng expanded maternity law, maari silang mapatawan ng P20,000 hanggang P200,000 na multa.

Kasabay nito ay hiniling din nila sa Kamara na ipasa na ang Security of Tenure bill.

TAGS: Labor Day, may 1, Protest Rally, Radyo Inquirer, Rally, Labor Day, may 1, Protest Rally, Radyo Inquirer, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.