Crown Prince Naruhito handa na bilang susunod na emperor ng Japan
Handa na si Crown Prince Naruhito bilang susunod na emperor ng Japan, isang araw matapos bumaba sa pwesto ng ang kaniyang ama na si Emperor Akihito.
Matapos ang tatlong dekada sa pwesto ay bumaba sa pwesto si Akihito.
Ang 59 anyos na si Naruhito ang successor ng kaniyang ama at inaasahan ang pormal na paggawad sa kaniya ng trono sa Lunes.
Kilala si Naruhito sa kaniyang passion para sa water conservation.
Siya at ang kaniyang asawa na si Masako na isang dating diplomat ay marami ring karanasan sa pag-aaral at pagnanatili sa ibang mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.