Easterlies iiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw
Maaliwalas at mainit na panahon pa rin ang mararanasan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Easterlies.
Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ang Bicol Region, Visayas at ang Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw na mayroong isolated na mga pag-ulan at thunderstorms.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at mayroong pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Babala ng PAGASA ang biglaan at malalakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na 2 hanggang 3 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.