Lalaki arestado sa buy-bust operation sa Marikina

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2019 - 06:53 AM

Arestado ang isang 55 anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Marikina City.

Target ng operasyon si alyas Intsik matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagbebenta ito ng ilegal na droga sa mismong bahay niya sa Brgy. Tumana.

Doon na nagkasa ng operasyon ang mga pulis at isang otoridad ang nagpanggap na bibili ng shabu kay alyas Intsik.

Nang positibong nakabili ng P500 na halaga ng shabu ay agad dinakip ang suspek.

Aabot sa limang sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa kaniya.

TAGS: buy bust operation, Marikina, Radyo Inquirer, War on drugs, buy bust operation, Marikina, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.