2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa University of North Carolina sa Charlotte

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2019 - 06:41 AM

(UPDATE) Nagpatupad ng lockdown sa isang unibersidad sa North Carolina dahil sa insidente ng pamamaril.

Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang apat pa ang sugatan sa naturang pamamaril.

Sa tweet sa kanilang official Twitter account, sinabi ng University of North Carolina sa Charlotte na mayroong insidente ng pamamaril malapit sa Kennedy Building.

Hinimok nito ang mga mag-aaral at iba pang nasa loob ng campus na tumakbo, magtago at lumaban kung kinakailangan.

Maraming mag-aaral na nasa loob ng campus nang mangyari ang pamamaril dahil mayroong concert.

Sa ulat naman ng mga otoridad, hawak na nila ang isang suspek na pinaniniwalaang namaril.

TAGS: active shooter, Charlotte, north carolina, Shooting Incident, University of North Carolina, active shooter, Charlotte, north carolina, Shooting Incident, University of North Carolina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.