Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2019 - 06:25 AM
Muling nakapagtala ng pagyanig sa Surigao del Norte ngayong umaga.
Naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa 47 kilometers southeast ng General Luna alas 5:26 ng umaga ng Miyerkules, May 1.
10 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.
Kagabi magkasunod na magnitude 4.1 at 4.0 na lindol ang tumama sa bayan ng General Luna.
Naitala ito alas 11:40 ng gabi at alas 11:53 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.