18 anyos na lalaki arestado matapos mahulihan ng marijuana sa Maynila

Arestado ang isang 18 anyos na lalaki matapos mahulihan ng marijuana sa Maynila.

Nagkasa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Sampaloc Police Station.

Namataan ang suspek sa isang lugar na tila kahina-hinala ang kilos.

Nang siya ay lapitan at kapkapan ay nakuhanan siya ng marijuana.

HIndi naman na nakatanggi ang suspek na ngayon ay nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...