Tindero ng buko, timbog sa buy-bust sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 01, 2019 - 04:37 AM

Arestado ang isang buko vendor sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 3, positibong nakabili ang poser buyer ng P200 ng shabu mula sa suspek na nakilalang si alyas ‘Jomar’, 21 anyos.

Ang operasyon ay bunga ng sumbong na natanggap ng pulisya.

Aminado ang suspek sa kanyang iligal na gawain kung saan humihinto umano ang kanyang mga parokyano sa harap ng kanyang bukuhan at doon na nagaganap ang bentahan.

Bukod dito, sinabi rin ng suspek na gumagamit din siya ng iligal na droga para manatiling alerto, gising at mabantayang mabuti ang kanyang bukuhan.

Narekober mula sa kanya ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, dati nang nakulong ang suspek dahil naman sa pagsusugal.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, QCPD, quezon city, shabu, tindero ng buko, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, QCPD, quezon city, shabu, tindero ng buko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.