Kris sinagot ang tanong kung “Mahal pa nito si Mayor?”

May 01, 2019 - 04:14 AM

Hindi nangimi si Kris Aquino na sagutin ang tanong ng isang netizen kung mahal pa nito ang isang “Mayor” na ayon sa nagtanong ay bahala na ang aktres kung sino ang isipin nito na kanyang tinutukoy.

Matatandaan na nagka-relasyon si Kris kina Quezon City Mayor Herbert Bautista at dating Parañaque Mayor Joey Marquez.

Pero ayon sa actress-host, isang Mayor lang ang talagang nag-iwan ng marka sa kanyang puso.

Si Mayor Herbert anya ay nasa kategorya ng “Loving the idea of all that could have been.”

Dagdag ni Kris, kung nagkatuluyan sila ni Mayor Bistek ay tiyak na hiwalay na sila ngayon.

“He is too set in his ways, as I am in mine… and between the two of us, sa sobrang excess baggage, the airplane could never have taken off,” paliwanag ng aktres.

Noong 2014 ay ibinunyag ni Kris na inalok siya ni Herbert ng kasal sa kanilang maikling relasyon.

Pero matapos ang pahayag ni Kris ay tila naging malamig na ang alkalde at namatay ang isyu sa kanilang dalawa.

Bago kay Mayor Herbert ay ikinasal si Kris sa basketbolistang si James Yap pero na-annul din ang kasal nila.

TAGS: excess baggage, James Yap, Joey Marquez, Kris Aquino, Mahal pa nito?, Mayor Herbet Bautista, excess baggage, James Yap, Joey Marquez, Kris Aquino, Mahal pa nito?, Mayor Herbet Bautista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.