Church labor group nanawagang tuldukan na ang kontraktuwalisasyon
Ipinanawagan ng church labor group na Church People-Workers Solidarity (CWS) sa gobyerno ang tuluyang pagtigil sa kontraktwalisasyon.
Sa isang pahayag para sa Labor Day, sinabi ng CWS na ang kawalan ng aksyon ng gobyerno na ihinto ang kontraktwalisasyon ay nagiging dahilan para maabuso ang mga manggagawa sa pinakamataas na antas.
“The lack of government’s will to end contractualization has allowed workers to be exploited to the maximum level,” ayon sa CWS.
“We have witnessed how contractualization and other forms of flexible work arrangements exploited the workers to the maximum level and extract huge profits from the sweat and blood of the workers,” dagdag ng grupo.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 51 na nagbabawal sa illegal contracting at subcontracting.
Gayunman, ilang labor groups ang nagsabing walang ngipin ang naturang EO.
Ayon sa CWS, patuloy na nakararanas ng hirap ang mga manggagawa daahil umiiral pa rin ang labor-only contracting.
Sinabi naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ang kasalukuyang sitwasyon ng mga manggagawa ay taliwas sa katuruan ng Simbahan patungkol sa social justice.
Ipinanawagan ng obispo ang pagtuldok sa kontraktwalisasyon at ang pagbibigay ng security of tenure sa mga manggagawa.
“The workers have long been demanding for security of tenure. End contractualization,” ani Pabillo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.