SWS: Q1 net satisfaction rating ng Senado at SC ‘very good’; ‘good’ sa Kamara at Gabinete

Nagtala ng ‘record-high’ na net satisfaction ratings ang Kamara, Korte Suprema at Gabinete sa unang kwarter ng 2019 ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang Senado naman ang nakapagtala ng pinakamataas na net satisfaction rating sa lahat ng institusyon ng gobyerno sa ‘very good’ na +62 ngayong March 2019, mataas ng apat na puntos sa +58 noong December 2018.

Ayon sa SWS, ang kasiyahan ng publiko sa trabaho ng Senado ngayong Marso ay ang pinakamataas mula sa +67 noong August 2012.

Seventy-two percent ng mga Filipino ang nagsabing sila ay nasisiyahan sa trabaho ng Senado habang 10 porsyento ang hindi nasisiyahan para maitala ang +62 na net rating.

Samantala, ang Kamara na ‘record-high ang March 2019 rating ay 7 puntos ang itinaas o ‘good’ na +47 mula sa +40 noong December 2018.

Malaki naman ang itinaas ng satisfaction rating sa Korte Suprema na record-high din sa ‘very good’ na +50 mula sa +37 noong December 2019.

Nanatili naman sa ‘good’ ngunit record-high din ang net satisfaction rating ng Gabinete na umakyat ng siyam na puntos sa +44 nitong March 2019 kumpara sa +35 noong December 2018.

Ang first quarter survey ng SWS ay isinagawa noong March 28 hanggang 31 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa.

Read more...