Lola at 5 iba pa arestado sa drug raid sa Cebu City

By Len Montaño May 01, 2019 - 02:35 AM

Credit: Benjie Talisic, CDND

Timbog ang isang lola at 5 iba pang indibidwal sa drug raid sa Sitio Bugnay 1, Barangay Labangon araw ng Martes.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas spokesperson Leia Albiar subject ng drug raid si Delma Mahilum, 68 anyos.

Nagpapaupa anya si Mahilum ng mga kwarto sa iba’t ibang tenants.

Isa sa mga ito ay nagduda sa mga aktibidad sa bahay kaya inilagay ang matanda sa ilalim ng surveillance.

Kinumprima naman ng ilan pang tenants na ginagamit ang bahay ng matanda bilang drug den o kung saan nagkakaroon ng pot session.

Nakumpiska kay Mahilum ang mga illegal drugs na nagkakahalaga ng P71,000.

Bukod sa lola, arestado rin sina Hanley Go 25; Serafin Mahium, 31; Josue Kaparida, 19; Bhartholome Abella, 22 at isang nakilala lamang sa pangalang Villaflores.

Nakatakas naman ang isang Alfonso Dadula sa operasyon.

TAGS: drug den, drug raid, Lola, matanda, PDEA Visayas, pot session, senior citizen, tenants, drug den, drug raid, Lola, matanda, PDEA Visayas, pot session, senior citizen, tenants

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.