Donaire target si Inoue na sunod na kalaban

Malinaw kung sino ang gustong makalaban ni World Bantamweight champion Nonito Donaire Jr. sa World Boxing Super Series tournament final.

Kasunod ng panalo laban kay Stephone Young sa semifinals, nais ni Donaire na makasagupa si Japanese Monster Naoya Inoue.

Nakatakdang kalabanin ni Inoue si undefeated bantamweight titlist Emmanuel Rodriguez sa May 18.

Mahalaga sa Pinoy boxing champ ang umabot sa finals kaya malaki anyang pagkakataon na makaharap si Inoue.

Isa ng 4-division champion si Donaire kaya inaasahan nito na mas matitindi pang boksingero ang kanyang makalaban.

Ayon kay Donaire, susuportahan niya si Inoue na makarating sa finals para sila naman ang magharap.

Read more...