Magandang balita para sa unang araw ng Mayo.
Nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang liquified petroleum gas (LPG) ang Petron at Phoenix Super LPG.
Sa abiso ng dalawang kumpanya, may bawas na P0.20 sa kada kilo ng LPG o P2.2 sa kada 11 kilong tangke.
Ang auto-LPG naman ay nabawasan din ng P0.10 kada litro.
Epektibo ang bawas-presyo sa LPG kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.
Ang rollback ay repleksyon ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado para sa buwan ng Mayo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.