Villar at Poe nanguna sa Pulse Asia survey

Nanguna sina reelectionist Senators Cynthia Villar at Grace Poe sa bagong Senatorial survey ng Pulse Asia.

Bigo namang makapasok sa Top 12 sina dating Interior Sec. Mar Roxas at dating presidential adviser Francis Tolentino.

Lumabas sa Pulse Asia survey na 51.7 percent ang nagsabi na iboboto nila sil Villar habang 50.05 percent kay Poe kung ngayon gagawin ang halalan.

Si Poe, na topnotcher sa mga unang surveys, ang tanging independent sa 14 na kandidato na mayroong tinatawag na “statistical chance of winning.”

Pero bumaba ng 22 percentage points ang pagpili kay Poe kumpara sa survey noong March 23 hanggang 27.

Habang si Villar ay iniindorso ng Partido ng administrasyon na Hugpong ng Pagbabago.

Pasok naman sa magic 12 ilan pang kasalukuyan at dating mambabatas.

Kabilang sina dating Senador Lito Lapid, Rep. Pia Cayetano, dating Special Assistant to the President Bong Go, dating PNP chief Ronald dela Rosa, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Samantala, si Sen. Bam Aquino ang tanging Liberal Party member na pasok sa survey.

Ang iba pang nasa survey ay sina dating Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada at reelectionists Sonny Angara, Nancy Binay, Koko Pimentel at JV Ejercito.

Samantala, idinahilan ng kampo ni Roxas ang pag-alis nito ng bansa para sunduin ang kanyang mag-iina sa US sa pagkawala nito sa top 12.

Read more...