Palasyo: 1B yuan grant ng China sa Pilipinas walang kapalit

By Chona Yu April 30, 2019 - 11:19 PM

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na walang kapalit na kondisyon ang isang bilyong yuan grant na ibibigay ng China sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala sa karakter ng China ang humingi ng anumang kapalit sa tulong na ibinibigay sa ibang bansa.

Inihalimbawa ni Panelo ang mga itinayong tulay at gusali ng China pero wala namang kapalit.

“I don’t think so. Like for instance, ‘di ba nagpagawa sila ng—mayroon silang kinu-construct na mga libre eh, wala naman silang hinihingi, nagbigay lang sila,” ani Panelo.

Sa pagdalo ng Pangulo sa Belt and Road Forum sa Beijing, nangako ang China na magbibigay ng isang bilyong yuan grant sa Pilipinas.

Maaari aniyang ang grant ay maramdaman sa pamamagitan ng mga itatayong rehabilitation centers ngunit ang detalye ayon kay Panelo ay kailangan muna niyang maitanong kay DFA Secretary Teddy Locsin Jr.

TAGS: 1B yuan, Belt and Road Forum, China, DFA Secretary Teddy Locsin Jr., grant, Pilipinas, Presidential spokesman Salvador Panelo, rehabilitation centers, walang kapalit, 1B yuan, Belt and Road Forum, China, DFA Secretary Teddy Locsin Jr., grant, Pilipinas, Presidential spokesman Salvador Panelo, rehabilitation centers, walang kapalit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.