LRT-2 may libreng sakay para sa mga manggagawa sa Labor Day

By Rhommel Balasbas April 30, 2019 - 11:11 PM

Nag-anunsyo ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 ng libreng sakay para sa mga manggagawa, bukas, araw ng Miyerkules May 1.

Ito ay bilang bahagi ng paggunita sa Labor Day o Araw ng Paggawa.

Ang libreng sakay ay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sa abiso ng LRT-2, kailangan lang ipakita ang company ID para makapag-avail sa libreng sakay.

TAGS: Araw ng Paggawa, company ID, Labor Day, libreng sakay, LRT 2, manggagawa, may 1, Araw ng Paggawa, company ID, Labor Day, libreng sakay, LRT 2, manggagawa, may 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.