Daang-daang kabahayan natupok sa sunog sa 3 barangay sa QC

By Jong Manlapaz, Len Montaño April 30, 2019 - 10:24 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Sumiklab ang sunog sa tatlong magkakahiwalay na barangay sa Quezon City Martes ng Hapon.

Tinupok ang mga kabahayan sa mga barangay ng Baesa, Bahay Toro at Santo Cristo.

Umabot sa Task Force Bravo ang sunog sa Baesa habang itinaas sa ikalimang alarma ang sunog sa Bahay Toro at umabot sa unang alarma ang sa Santo Cristo.

Alas 4:00 ng hapon nang mabalot ng apoy at usok ang mga bahay sa Sitio Ambuklamo sa Baesa.

Binutas ng mga bumbero ang pader ng isang warehouse para may madaanan ang fire hose na ginamit sa pag-apula ng apoy.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 400 bahay ang nasunog at 900 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Nasugatan naman ang isang residente na napaso sa kanyang katawan.

Samantala, sa halos kasabay na oras ay nagsimula ang sunog sa Sinagtala, Bahay Toro.

Agad kumalat ang sunog sa mga kabahayan na gawa sa light materials.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa kitid ng mga kalsada.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Rey Montanez.

Nasa 50 bahay at 80 pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Nadamay sa sunog ang mga bahay sa kalapit na Sto. Cristo dahil hindi sapat ang tubig pang-apula ng apoy.

Pasado alas 10:00 ng gabi ay idineklarang under control ang sunog sa Bahay Toro.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng mga sunog ang halaga ng naabong mga ari-arian.

TAGS: 3 barangay, baesa, Bahay Toro, Bureau of Fire Protection, firehose, light materials, masikip kalsada, nawalan ng bahay, quezon city, residente, Sto. Cristo, sugatan, sunog, Task Force Bravo, under control, Walang Tubig, warehouse, 3 barangay, baesa, Bahay Toro, Bureau of Fire Protection, firehose, light materials, masikip kalsada, nawalan ng bahay, quezon city, residente, Sto. Cristo, sugatan, sunog, Task Force Bravo, under control, Walang Tubig, warehouse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.