Malacañang: Endorsement appeal ng pangulo malakas pa rin

By Chona Yu April 30, 2019 - 05:20 PM

Inquirer file photo

Patunay lamang na nagtitiwala ang taong bayan sa endorsement power ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasok sa magic 12 ng mga kandidatong senador na sinusuportahan ng punong ehekutibo.

Base sa panibagong survey ng Pulse Asia, walo sa mga iniindorso ni Pangulong Duterte ang pasok sa magic 12.

Pantay na sa unang pwesto sina re-electionist Sen. Cynthia Villar at Grace Poe habang sumusunod sina Lito Lapid, Pia Cayetano, Bong Go, Sonny Angara, Ramon “Bong” Revilla, Ronald dela Rosa, Nancy Binay, Aquilino Pimentel III, Imee marcos at iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo,  nangangahulugan lamang ito na bukod sa malakas ang endorsement appeal ng pangulo, naniniwala ang mga tao na kailangan ni Duterte ang mga ine-endorso nito upang tulungan siya sa pag-ahon sa bansa sa kahirapan, kaguluhan at iba pa.

Kung may manalo man aniya sa oposisyon, ibig sabihin lamang nito ay iniluklok sa pwesto ng taong bayan ang mga kandidato hindi upang manggulo kundi para tulungan si Pangulong Duterte.

TAGS: dela rosa, duterte, go, Marcos, oposisyon, panelo, PDP, survey, SWS, dela rosa, duterte, go, Marcos, oposisyon, panelo, PDP, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.