Mga eroplano ng Cebu Pacific isasalang sa safety check ng CAB

By Den Macaranas April 30, 2019 - 03:13 PM

Inquirer file photo

Sinabi ng Civil Aeronautics Board (CAB) na kanilang sisilipin isa-isa ang mga eroplano ng Cebu Pacific para alamin kung may safety o maintenance issues ang mga ito.

May kaugnayan ang nasabing hakbang sa halos ay 40 flights cancellation sa nakalipas na mga araw.

Sinabi ni Atty. Wyrlou Samodio, pinuno ng legal team ng CAB na gusto nilang i-verify ang nasabing isyu dahil ito ang sinabi ng Cebu Pacific kaya kinasansela ang ilan sa kanilang mga byahe.

Ang nasabing hakbangin ay sakop pa rin ng Civial Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ikinatwiran pa ng opisyal na base sa kanilang mga nakuhang impormasyon ay may mga bago namang eroplano sa fleet ng Cebu Pacific.

Tungkulin rin ng CAB na tiyakin ang kaligtasan ng mga airline passengers ayon pa sa opisyal.

Nauna dito ay sinabi ng Cebu Pacific na aabot sa 58 mga flights ang kanselado hanggang sa May 10 dahil sa maintenance issue.

Dahil dyan ay gustong alamin ng CAB kung naipapatupad ba ng maayos ang Air Passenger Bill of Rights para pa rin sa kapakanan ng mga pasahero.

TAGS: BUsiness, CAAP, cancelled flights, cebu pacific, Civil Aeronautics Board, BUsiness, CAAP, cancelled flights, cebu pacific, Civil Aeronautics Board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.