6 na lalawigan tinukoy bilang Election Watchlist Area

By Jay Dones December 09, 2015 - 12:18 AM

 

Julianne de Jesus/Inquirer.net

Anim na mga lugar sa bansa ang tinukoy ng Philippine National Police bilang mga Election Watchlist Area o EWA.

Kabilang sa mga inisyal na mga lugar na itinuturing na EWA ay ang  lalawigan ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental Western Samar, Maguindanao at Lanao Del Sur.

Ayon kay PNP chief Director General Ricardo Marquez, ang naturang mga lugar ay ang ilan lamang sa kanilang tututukan dahil sa posibilidad ng pagsiklab ng tensyon o kaguluhan na may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon.

Paliwanag ni Marquez, matuturing na isang election hotspot ang isang lugar kung mayroong matinding partisan political rivalry dito.

Ikalawa, ay kung may mga nakaraang kaso na ng karahasan na maiuugnay sa mga nakalipas na eleksyon.

Ikatlo, may presensya ng mga threat groups tulad ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at mga Private Armed Groups o PAGs.

Ikaapat, aniya ay kung may mga naitatalang mga armas sa isang lugar na posibleng gamitin sa pagpapalaganap ng karahasahan sa panahon ng eleksyon.

Dagdag ni Marquez, posibleng madagdagan pa ang listahan sa mga susunod na araw depende sa magiging pagsaaliksik ng PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.