EO para sa implementasyon ng “annex of normalization” sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro nilagdaan na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu April 30, 2019 - 01:03 PM

Ipinag-utos na ng Malakanyang ang implementasyon ng annex of normalization sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Base sa executive order 79 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 24, pinatitiyak ng pangulo na makukuha ng mga residente sa Bangsamoro Region ang maayos, mapayapang pamumuhay.

Ipinag-uutos din ng pangulo ang pagbuo ng Inter- Cabinet Cluster Mechanism on Normalization na mangunguna sa pangangasiwa sa Normalization Program ng gobyerno.

Base sa EO ang mga kinatawan mula sa Office of Presidential Adviser on the Peace Process at mga kalihim ng Interior and Local Government, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, National Security Council, Budget Management at iba pa.

Pinamamadali din ng pangulo ang implementasyon ng mga programa ukol sa rehabilitation, development at reconstruction sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inaatasan din ang OPPAP na maglabas ng operational guidelines para sa maayos na implementasyon ng EO.

TAGS: annex of normalization, bangsamoro, EO 79, Radyo Inquirer, annex of normalization, bangsamoro, EO 79, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.