Pagtugon sa mga kalamidad dapat ituro sa ROTC ayon kay Rep. Belaro

By Erwin Aguilon April 30, 2019 - 11:58 AM

Napapanahon na ayon kay 1-Ang Edukasyon Rep Salvador Belaro upang ituro sa Reserve Officers Training Corps ang tamang pagtugon sa kalamidad kasunod ng pagtama ng malakas na lindol ngayong linggo.

Ayon kay Belaro, higit sa pagmamartsa at pagbibilad sa araw ay mahalagang magkaroon ng civic duty at responsibilidad ang ROTC cadets sa disaster management.

Para sa Grade 9 students ay mainam aniya na isama sa module ng Araling Panlipunan ang konsepto ng wastong pagtugon sa sakuna.

Paliwanag pa ng kongresista, dapat kasama ang first aid training sa modules anuman ang grade level sa paaralan.

Samantala, kailangan aniyang ipaunawa sa mga teacher kung para saan ang disaster preparedness drills at bakit ginagawa ang mga ito.

Sa Kamara ay inihain ang House Bill 4250 na nakabinbin sa Committee on Basic Education and Culture kung saan layon nitong pagsamahin ang mga leksyon ukol sa disaster preparedness at fire drills sa curriculum ng formal education.

TAGS: disaster, disaster preparedness, rotc, disaster, disaster preparedness, rotc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.