Ilulunsad na Labor Day attack ng NPA sa Batangas napigilan ng militar
Napigilan ng militar ang planong pag-atake sana ng New People’s Army (NPA) sa Batangas bukas, Labor Day.
Ito ay kasunod ng engkwentro ng militar sa NPA noong Lunes, Apirl 29 sa bayan ng San Juan.
Nangyari ang sagupaan sa Sitio Maquitib sa Barangay Quipot na tumagal ng 20 minuto.
Sa nasabing sagupaan, isang sundalo ang nasaktan habang isang babaeng rebelde naman ang naaresto.
Ayon kay Captain Patrick Jay Retumban, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang naarestong rebelde ay misis ng isang alyas Jethro isang NPA leader sa lalawigan.
Ang mga nakasagupang rebelde ng mga sundalo ay nagpaplano umano ng pag-atake sa Batangas bilang bahagi ng malawakang anti-government action sa May Uno.
Hindi na naman na nagbigay ng iba pang detalye ang militar hinggil sa planong pag-atake. (END.DD)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.