CebuPac nagpaliwanag na sa DOTr, CAAP at CAB dahil sa mga kanselasyon ng flights

By Dona Dominguez-Cargullo April 30, 2019 - 09:41 AM

Nagpaliwanag na ang Cebu Pacific sa Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at sa Civil Aeronautics Board (CAB) kaugnay sa naganap na aberya sa kanilang mga flight.

Sinabi ni Charo Logarta Lagamon, tagapagsalita ng Cebu Pacific na bago pa nila ipatupad ang kanilang mga kanselasyon ng biyahe ay naipaliwanag na nila sa DOTr, CAAP at CAB ang sitwasyon.

Sinabi ni Lagamon sa Radyo Inquirer na normal silang nagre-report hinggil sa flight situation nila at kung paano ang pag-handle nila sa mga pasahero.

Una nang sinabi ng CAB na iimbestigahan nila ang posibleng pananagutan ng Cebu Pacific matapos ang kanselasyon ng mga biyahe.

Aalamin ng Cebu Pacific kung totoong ang mga ipinatupad na kanselasyon ay bunsod ng mga kadahilanang hindi kontrolado ng airline company.

TAGS: airline company, CAAP, CAB, cebu pacific, dotr, flight cancellations, airline company, CAAP, CAB, cebu pacific, dotr, flight cancellations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.