Ayon sa Grab namomonitor naman nila kung ang driver o ang pasahero ang nagkakansela ng booking.
Dahil dito, simula ngayong araw, April 30, ang mga pasaherong maaapektuhan ng pagkansela ng driver sa booking ay otomatikong makatatanggap ng 30 grab rewards points.
Pero kung ang pasahero ay makikitaan ng madalas na pagkansela ng booking ang kanilang account ay masususpinde sa loob ng 24 na oras.
Magkakaroon na rin ng P50 na cancellation fees at no-show fees na babayaran ang mga pasaherong nagkansela o hindi nagpakita sa pick-up point.
Ang nasabing multa ay sisingilin sa susunod na booking ng pasahero.
Maituturing na madalas ang pagkansela ng booking ng pasahero kung ginawa niya ito ng dalawang beses sa loob ng isang oras, 3 beses sa isang araw, o 5 beses sa loob ng isang linggo.