CGMA pinayagan ng SC na mag-Pasko at bagong taon sa kanyang bahay sa QC
Pinayagan ng Korte Suprema ang hiling ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magdiwang ng pasko at bagong taon sa kanyang tahanan sa Quezon City.
Sinabi ni Supreme Court Spokesman Atty. Teodore Te na pinagbigyan ng Mataas na Hukuman ang hiling ni CGMA na holiday furlough mula umaga ng December 23,2015 hanggang alas Singko ng Hapon ng December 26,2015 para sa araw ng Pasko.
Mula December 30,2015 ng umaga hanggang alas singko ng hapon ng January 2,2016 para naman sa selebrasyon ng Bagong Taon.
Inabisuhan naman si Mr.Albert Dela Cruz, ang acting Chief ng Security and Sheriff’s Services ng Sandiganbayan na ipatupad ang naturang resolusyon at makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng ulat sa hukuman hinggil sa pagsunod sa naturang kautusan bago o sa pagsapit ng January 11, 2016.
Samantala, inaksiyunan din ng Korte Suprema ang Urgent Motion for House Arrest ni GMA sa pamamagitan ng pag-utos sa Office of the Solicitor General na magkomento sa naturang mosyon sa loob ng dalawampung araw.
Magugunitang binatikos pati ng United Nations Working Group on Arbitrary Detention (WGAD) ang umano’y labis na panggigipit ng pamahalaan sa dating Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.